Wednesday, November 10, 2010

peace sign

pag ginawa mo ang peace sign sa daliri eh makakagawa ka ng number two,
pag ginawa mo naman ang oki doki na sign eh makakagawa ka ng number three.
bakit ganon?hindi ko alam ang gusto ko.

kung ako ikaw

kung ako ikaw eh papakalayo ako
hangang sa ang mga paa ko ay mapako
sa sobrang pagod at sobrang pagkahapo.

pero wag ka masyadong papakalayo
dahil ayaw ko mawala sa tabi mo,
siguro mga 3 metro lang o apat
basta makita ka lang ay sapat.

di ko alam kung ano ang reaksyon mo?
kung nakangiti ka o nakababa ang ngiti mo.
di ko alam kung natawa ka di ko alam kung nangawa ka.

ano ba?bakit ba?kaya pala
saan ba ito mapupunta.
teka teka cr lang ako ,
sapagkat natatae ako.

mamang payaso

mamang payaso,tingnan mo ang sarili mo.
sa pagpapatawa napaka husay mo,
bawat ngiti galing sa napapasaya mo
natutumbasan ang lungkot sa puso mo.

mamang payaso,
wag kang magalala
sapagkat hindi ka nila kilala,
na dating pumatay sa mayamang pamilya,
sa probinsya mong kinalakhan kaya pumunta ka sa maynila.

iniwan mo ang pamilya mo
ngunit natakasan mo ang kasalanan mo,
alam kong naiisip mo sila
sa mga gabing ika'y nangungulila.

mamang payaso
tingnan mo ang sarili mo
sa kulay at palamuti ika'y nagtatago,
ngunit umaalingasaw ang tunay mong anyo.
alam kong nagsisi ka at alam kong nahihirapan
ngunit yan lang ang paraan para matauhan ka,

isang gabi naglalakad ka galing sa isang kasiyahan,
suot mo pa ang kolorete sa iyong mukha.
ngunit kita sa iyong mukha ang luha sa iyong mga mata.

dun pala sa kasiyahang naganap
ay nakita mo ang iyong pamilya.
masayang masaya na parang walang problema.

lumuwas pala sila sa maynila
nakapangasawa ng amerikano,
sa forbes park na nakatira
kasama ang mga supling mo,

nakita mo si junior napakasaya,
at hinihipan ang espesyal na kandila.
habang ang asawa mo nama'y tuwang tuwa
kasama ang mga diyamanteng nakasukbit sa kaniyang tenga.

hindi ka makapaniwala sa iyong nakita.
kaya agad ka umalis at naglakad ng walang hanggan.
pag dating sa iyong tahanan ika'y tulalang
pumasok sa iyong kwarto at humiga sa kamang
walang pagmamahal para saiyo.

mamang payaso anong nangyari saiyo?
masaya ang itsura mo pero
umaalingasaw ang kalungkutan mo.

kasalanan:noon at ngayon

sa pag pitas ng sagradong prutas na tinanim ni satanas,
sa pag kagat ng malutong na mansanas,
ay tila tumulo ang malansang katas.

Ang siyang kumagat ng sagradong mansanas,
animo'y pinulluputan ng malasubas na ahas,
pilit mang kumawala't tumakas,
kasalanang ginawa'y hindi magwawakas.

katalinuhan at kabutihan biglang nawarak
tumitibok na puso'y may karayom na nakatarak.
laman at utak tila batak.

hinubaran ng tadhana
at iniwang nakahubo.
katawan nga'y malakas o may kagandahang taglay,
di magtatagal ang lakas ay  maglalagas
at ang ganda'y maaagnas.

ang pagmumuni muni ni bebang

bebang bebang nasan ka na?
ang besprend kong sobrang suplada,
isang linggo na kitang hindi nakikita
wala tuloy akong kalaro sa sungka.

bebang bebang hinahanap kita
sabi ng iyong yaya, ikaw ay nagsimba
sumunod ako sayo pero di kita nakita.

bebang bebang nasan ka na?
sa akin ba'y nagtatampo ka?
hingi lang kita pinahiram ng bisikleta,
hanggang ngayon ba'y nagdadrama ka pa?

bebang bebang, miss na kita
sana nama'y maabutan kita,
sabi ng mama mo , nasa ospital ka.
bakit di mo sinabi na lumalala ka na?

bebang bebang, sabi ng nars nasa ICU ka?
kelan ba talaga yan mawawala?
sana'y bukas ay magaling ka na.

bebang bebang ang daya mo talaga,
nag iisa mong prend iyong tinakasan,
wag ka mag alala dahil dadasalan kita.

pero kulang ang sungka dahil wala ka na.

inday in the city

"nay bili mo ko niyan"
paboritong wika mo,
pabili ka ng ganyan,pabili ka ng ganito,
puros luho ang hinihingi sa nanay mo.
Habang ikaw naka de-camerang telepono,
at mahal ang suot na damit,
siya nama'y lumang luma ang suot at nagmumukang yagit.

pabili ka ng ganyan,pabili ka ng ganito.
naiisip mo ba ang nanay mo?
na kayod kabayo kung magtrabaho,
habang ika'y lustay ng lustay pang bili ng luho mo.

kumakain ka sa mamahaling restaurant kasama ang
mayayamang kaibigan mo,
habang ang nanay mo'y sa carinderia lang pumapatay ng gutom.

kwarto mo naka t.v, aircon at malaking kama,
habang ang nanay mo ay sa papag lang.
ikaw. buhay sosyalera sa maynila,
habang siya. isang tagapaglingkod sa hacienda,
kung umasta ka parang anak mayaman,
ngunit ang utak mo'y walang laman.

Nagsisikap siya para sa pag-aaral mo,
habang ikaw.ang para sa pang-aral mo,pinapang inom mo!

bili moko niyan, bili moko nito.
Nanay mo nagsusumikap umahon.
pero ikaw?....patuloy sa pagbaon.

engkantot

engkantot.

may mananangal na naka kapit sa punong mangga
may tikbalang na nakasilip sa poste na nakatumba
ang dwende naman ay nakaupo sa bato na tatsulok
at ang tyanak naman ay nasa sinapupunan ko.

hindi ko alam kung bakit pero ito ang aking sinapit
gusto kong kumawala pero ang higpit parin ng kapit.
pilit kong sumigaw pero rinig lang ay alingaw ngaw.

ewan ko ba kung bakit ako natipuhan.
ng isang engkantong nakatira sa aming bakuran.