Saturday, August 15, 2009

panaghoy ng semilyang nabuhay


tinatahak ko ngayon ang makipot na lugarkung saan ilalabas ako sa mundong marahas ngunit kasama na ito sa sistema ng aking buhay,
marami kaming magkakasama nangmakapasok kami sa libliban ngunit ako na lang ang natitirang buhay
matagal tagal na din akong lumalakbay dito,naaalala ko pa nga nang pinlanong mga katropa ko nung tumakas kami sa napakalaking harang tila ayaw talaga kaming palabasin,may mga kwento kwento kasi sa pinanggalingan ko dati na nang makalabas ang isang hukbo namin ,hindi na sila nakawala sa isang higanteng kulungan at unti unti silang namatay kaya ngayon siguro ako na ang pinaka maswerteng punla ng buhay....
napakatagal ko na dito,medyo naiinip na din pero ayos lang kahapon nga naririnig ko sa labas na may nagsisigawan talagang may humahagulgol,hindi nga ako makatulog eh,pero maayos na namn pag tapos nun,.
....ano kaya tong asa tabi ko?malaking bilog na bagay?aray!ang sakit!para akong nalulusaw!aray!...ano kaya un?napakasakit...buti nalang sinipa ko papalayokung hindi baka malusaw ako ng tuluyan..ganun ba talaga dito?...

......
nung isang araw may nakalulusaw na bagay dito,ngayon naman may mahabang bagay na parang hinihigop ako!sobrang lakas!nahigop nga ung nalusaw sakin buti nalang kumapit ako dito sa mahaba na naka konekta sakin...ganto ba talaga dito?

....sobrang tagal at sobrang laki ko na dito gusto ko nang lumabas,kaya sinisipa ko ung ding ding dito para mapansin ako sal abas,ayan!parang nabutas ung mala supot na naka palibot sakin,konti nalang at baka lumabas na din ako dito,may humugot sa ulo ko...ayan na!
...pakiramdam ko parang ang lawak ng paligid,eto pala ang mundo,medyo naninibago pa nga ako eh,nakaka kita na din ako,napapansin ko parang ung kaliwa kong kamay parang kulangang mga daliri,tapos wala akong paa sa kaliwa,eh..nakita ko naman ung mama ko,ang ganda ganda,tska papa ko ang pogi,pero bakit ganto ako?ibang iba sa kanila?ganto ba talga dito?

Lobo ni satanas


lobo mo, lobo ko,lobo nino man,kakaibang lobo ni satanas.parang pag kagat ni eba ng mansanas, galing sa mapanuksong ahas,na ka close ni satanas
lobo ng lahat,kailangan ng lahat,sinasamba nino man,para kay tatay para kay nanay para kay bunso .para walang apo...
nakakaaliw ang lobo na ito lalo na sa mapanuksong tao kung saan saan nakikipagtagpo para lang magamit ito,
napakahalga nga nito sa halagang bentesinko masaya ang lahatdahil walang kalat.
ang lobo ni satanas hindi pwede sa matalas ngunit pag nabutas puputok ang malas..
Lobo ni satanas tila kay taas pati ang ibon nasasabayang Lumipad,kahit ang Rocketship kayang sabayan,321..blast off!!!
ako ay may lobo,lumipad sa langit..di kona nakita pumutok na pala..

inay itay pulubi ako..seryoso


inay itay asan na kayo?ang tagal tagal ko na dito.bakit iniwan nyo nakosa lugar na ito?
inay itay,ang tagal kong nag iintay,bakit wala pa kayo?malapit na mag pasko,kumakain ako mag isa.sa malamig na sahig nakahiga,naiisip nyo pa ba ako?nang inilagay nyo ako sa sako?
inay itay,sinadya nyo ba yon?nang saki'y wala kayong maipalamon?sa sugal buong araw kayo,ang droga sinasamba niyo,inay itay,nagmamakaawa ako,pag mag isa ay nalulungkot ako,kahit bugbog ang abot ko kay itay,at gutom ang hain sakin ni inay,kailangan ko parin kau,magulang ko kayo,
inay itay,bakit kayo ganyan?sarili nyong anak inyong hinayaan?tinapon na parang pusangaun akoy nagdudusa,gutom sa yakap ng malambing na inahayok sa pag mamahal ng mabuting ama,
inay itay,nabubuhay ako sa barya baryakumakain ako ng tira tira,bakit nyo pako binuhaysana ay inilibing niyo nlang ako ng buhay,inay itay ,tinuring niyo na akong patay,kamang mangan ko ay inyong kinatayinay itaynasan na kayo,inay itay,hintayin nyo ako..

mikropono ni magdalena

mike test 1 2 3 magdalenang nagdadalagabunso ng ama at inasa pag kanta ay bihasa kasa pagkumpas ng iyong kamayna tila bigay na bigay.sa iyong malambing na tonomabubuhay ang notasa iyong kakaibang kumpassa walang kakupas kupas,
ikay may taglay na talentolalo na sa pag hawak ng mikroponobuhay na buhay ang himigboses mong napakalamig
alam ba ito ni ama at ina?sa talento mong taglayna si dodong ang nagsanay
magdalena sa pagkantaikaw ay sanaysa pagkumpas ng kamayna panay panaymagdalena wag masyado maingaymagdalena wag sanang mangalay.

sa mga mata ni poleng (march 20 08)


kinalyo na ang aking mukha sa kakasampal ng aking ina ewan ko ba kung bakit .basta ang alam ko,mahal ko siya,

nakakalbo na dn pala ang ulo kosa kakasabunot sakin ni inay pag wala siyang magawa at lasing siya,pero naiintindihan ko siya kasi mahal ko siya.

namamaga naman ngayon ang mukha ko,kasi kahapon hinagis sakin ni mamayung bote ng alak kasi sarado na ung tindahan at hindi ko siya nabilhan,kawawa naman si inay hindi ko nagawa yung pinaguutos niyaalam ko kailangan niya yun,mahalko kasi siya eh..

si itay dumating,nagaway sila ni inaykasi laking gulat ni itay kasi nangingitimnako sa pasa na gawa ni inay,kinukuha ako ni itay kaso ayaw ako ibigay ni inay ayaw ko sumama kay itay kasi pag gabi may ginagawa siya sakin na talagang hindi ko maintindihan at naiiyak nalangako pag nangyayari yun,mas mahal ko si inay kay itay...

birthday ko ngayon,hindi ako binati ni inay ,umalis siya ng bahay nang hindi nagpapaalam sakin,baka bibilhan ako ng manika tska keyk!natutuwa ako sa pag dating niya!

kinabukasan na dumating si inay,walang manika,walang keyk,nakita ko si inay may kasama sa kwarto akala ko si itay, yun pala si tito...

nabugbog nanaman ako ni inaykasi nakita niya ako na nakasilip sa kwarto niya,nakita ko kasi si tito hinahalikan si inay...

aalis nanamn si inay hindi pako nakaka pag agahan tumingin si mama sa kalendaryo,biglang napatigil at tumingin sakinsi inay niyakap niya ako at umiiyak ,isang linggo niya bago malaman na nag birtdey pala ako naawa ako kay inay kasi umiiyak masaya ako kasi naalala niya kahit papano ung kaarawan ko...

pinakain niya ako sa jalibee tska binilhan niya ako ng magandang manika , ito ang pinaka masayang araw sa buhay ko..mahal pala talaga ako ni inay...

isang beses nakita ko si inay may kausap sa telepono narinigko lang ay DSWD mukhang tulala si inay at nangingilid yung luha..natatakot ako para kay inay..

isang buong araw na nasa kwarto si inay kinakatok ko yungpinto pero ayaw ako pag buksanpinagluto ko pa naman siya ng pansit canton alam ko matutuwa siya pag gising niya..

nagtataka ako kay inay..10 araw na siyang hindi lumalabas ng pinto bakit kaya?nag aalala nako kay inay..

may mga kapit bahay na pumasok sa bahay namin giniba yung pintuan ng kwarto ni inay, sobrang baho..nakita ko si inay inuuod at parang hindi ko na makita ang magandang mukha na tila na lulusaw na,naiyak ako kasi mukhang hindi ko na siya makikitang muli,may mga babae na kumupkop sakin at dinala akosa bahay na maraming mga bata masaya ako dun,pero namimiss ko si inay hindi ko makakalimutan si inay...mahal na mahal ko siya...i love you inay

basura ng lipunan (feb 7 2008)

nakikita ko ang rapleksyon ko sa basura…tinatapon,pinandidirian..walang halaga sa perpekto niyong lipunan. iniisip lang ang pagtaas ng kalidad ng inyong pagkatao,upang masabi mong hindi ka DUKHA…kumakain ka sa malagintong pagkainan..sa bawat subo,nguya at lunok ay sapat na para sa isang pamilyang naghihikahos at walang karangyaan sa sistema ng kanilang buhay.ubos na ang dignidad dulot ng kahirapan,.parang SILA. inuubos ang ating salapi para sa kawalangyaan,binabasura nila ang mangmang na estado ng tao…

ANG MAHIHIRAP. ikaw..ikaw na mapalad,inuubos ang salapi ng masipag mong magulang.bumibili ka ng mamahaling gamit na katumbas ng isang linggong kinakain ng pamilya ni poleng sa araw araw..bibili ka..para ano?para sa iyong sariling pangkaligayahan at kinabukasan,malilimutan mo na meron ka non at bibili ka ulit sa pagaakalang wala ka pa non…mapalad ka kaibigan..ngunit matigas ang mapakla mong puso at bulok mong isipan,na hindi mo namamalayang isa ka na rin sa basura ng lipunan ..nakikita ko ang repleksyon ko sa basura..na kayamanan ang tingin para sa iba ...

si puhnene


si puhnene ang aso ko at aliw na aliw ako sakaniya.
alam kong wala siyang dugong maharlika katulad ng
ibang asong mababalbon at gupit and tenga.
simple lang siya, katamtaman and laki, kulay brown
.brown ang mata, pink ang ilong at napakalambing.
ewan ko na kung anong meron sakanya dahil pag nakikita
ko siya ay nawawala ang aking pagod,minsan makulit siya
at hindi ko sinasadyang napapalo ko sa shoulders niya,pero
alam kong naiintindihan niya ako dahil naaawa siya sakin kasi
wala nakong tsinelas. wala nakong tsinelas kasi ginagawa niyang
chewtoy and tsinelas ko , kung hindi tsinelas ko, payong ko,
kung hindi naman yun eh ako. ako naman ang napag babalingan
ng pag ngingipin niya. wala nalang akong magawa kundi paluin
siya sa shoulders niya at pagtapos niya tumingin sakin ng puppy dog
eyes ay papakainin ko siya sa microwaveable niya na kainan at bati na kami.

Wednesday, August 12, 2009

silent hill

Alas tres na ng gabi.umuulan.ang nanay at tatay mo ay tulog na,ang aso mo ay tulog na rin at ang dalawa mong kuya ay mahimbing na natutulog na parang mga anghel ngunit mukha namang mga ibon.sa madaling salita ay ikaw nalang ang nag iisang adik na gising at may ginagawa ka.kina aadikan mo ito, hindi nabubuo and buhay mo pag hindi mo ito nagagawa, hindi ka nakaka kain at lalong hindi ka na nakakatulog, hindi ka na rin nakaka ihi kahit limang hakbang lang ang banyo galing sa kwarto mo at hindi k na rin maka inom ng tubig kahit alam mong uhaw na uhaw ka na at hangin nalang ang nalulunok mo at kasing gaspang na ng semento and dila mo sa sobrang tuyo ng bibig mo. at hindi mo parin natatanto na adik ka na sa silent hill 5 homecoming. hindi ka din makapag facebook ng maayos dahil pag miniminimize mo and silent hill ay nag eerror ito at nag cclose nalang bigla, kaya wala ka nang magagawa kundi ulitin mo ung level kasi hindi naman yun naka autosave.maiinis ka at kokonyatan mo ang sarili mo kasi hind mo matiis ang pag facebook kaya nagsorry ka sa sarili mo at nag silent hill nalang ulit.